144, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland; 135, domestikong kaso

2021-01-15 16:49:35  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 144 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Huwebes, Enero 14, 2021.
 

Kabilang dito, 135 ang domestikong kaso, samantalang 9 naman ang nagpositibong galing sa labas ng bansa.
 

Walang pumanaw sa araw na ito, at 1 ang bagong karagdagang pinaghihinalaang kaso na galing sa ibayong dagat.
 

Hanggang magha-hating gabi ng Enero 15, 1,001 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland.
 

Salin: Vera

Please select the login method