Tsina sa Hapon: tumpak na pakitunguhan ang pagtutol ng komunidad ng daigdig, at iwasto ang maling kapasiyahan hinggil sa nuclear wastewater

2021-04-21 11:37:20  CMG
Share with:

Sa regular na preskon nitong Martes, Abril 20, 2021, pinuna ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pahayag ng panig Hapones na mas mababa kaysa Hapon ang pamantayan ng mga nuclear power plant ng Tsina at Timog Korea sa paghawak ng wastewater.
 

Diin ni Wang, layon ng pananalitan ng panig Hapones na  baligtarin ang isyu at ibaling ang sisi sa iba.

Tsina sa Hapon: tumpak na pakitunguhan ang pagtutol ng komunidad ng daigdig, at iwasto ang maling kapasiyahan hinggil sa nuclear wastewater_fororder_20210421WangWenbin

Aniya, ang kailangang gawin ngayon ng panig Hapones ay tumpak na pakitunguhan ang pagdududa at pagtutol ng komunidad ng daigdig, batay sa siyentipikong atityud; mataimtim na ipatupad ang obligasyong pandaigdig; at iwasto ang unilateral at maling kapasiyahan hinggil sa pagtatapon ng radioactive wastewater ng Fukushima Daiichi nuclear power plant sa dagat.
 

Saad ni Wang, magkaiba ang esensya ng radioactive wastewater ng Fukushima nuclear power plant at regular na nuclear liquid discharge mula sa normal na operasyon ng mga nuclear power plant.
 

Habang wala pang nagkakaisang palagay ang komunidad ng daigdig at mga may-kinalamang panig,  unilateral aniyang pinili ng Hapon ang pagtatapon ng nuclear wastewater sa dagat dahil ito ang may pinakamaliit na kapinsalaang ekonomiko sa sarili.
 

Napaka-iresponsable ang ganitong ang pagbabaling ng sariling pananagutan sa buong sangkatauhan, diin ni Wang.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method