[Video] Direktor Heneral ng WTO: pagbabakuna, pinakamagandang patakaran sa pagpapasigla ng kabuhayan ng isang bansa

2021-04-21 18:09:05  CMG
Share with:

Sa sidelines ng taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) sa taong 2021, ginanap nitong Lunes, Abril 19, 2021 ang porum hinggil sa reporma ng World Trade Organization (WTO). Sa pamamagitan ng video link, dumalo sa nasabing porum si Ngozi Okonjo-Iweala, Direktor Heneral ng WTO.
 

Sa kanyang eksklusibong panayam ng China Global Television Network - China Media Group (CGTN-CMG) nang araw ring iyon, sinabi niyang ang pagbabakuna laban sa coronavirus ay pinakamagandang hakbangin ng isang bansa upang muling mapasigla ang kabuhayan.
 

Aniya, kasinghalaga ng patakaran sa pagbangon ng kabuhayan ang patakaran sa bakuna.
 

Please select the login method