COVID-19, may mataas na probabilidad na kumalat sa Amerika noong Setyembre ng 2019—pananaliksik

2021-09-23 15:08:23  CMG
Share with:

Inilabas kahapon, Setyembre 22, 2021 ng pre-print platform na ChinaXiv ng Tsina ang resulta ng isang pananaliksik kung saan ipinakikitang may mataas at kapani-paniwalang probabilidad na nagsimulang kumalat ang epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika, bago o makalipas ang Setyembre ng 2019.
 

Ang nasabing pananaliksik ay magkasanib na isinagawa ng mga mananaliksik mula sa University of Science and Technology ng Tsina at University of Chinese Academy of Sciences, batay sa isang data at hybrid model-driven method.

COVID-19, may mataas na probabilidad na kumalat sa Amerika noong Setyembre ng 2019—pananaliksik_fororder_20210923virus

Sa pamamagitan ng modelong matematika at teknolohiya ng artipisyal na intelihensiya, sinuri ng mga mananaliksik ang oras ng pagsisimula ng epidemiya sa 12 representatibong rehiyon sa Hilagang Silangan ng Amerika at Wuhan, Lalawigang Zhejiang, at iba pang lugar ng Tsina.
 

Ayon sa resulta, may 50% kompiyansa ng probabilidad na lumitaw ang unang kaso ng COVID-19 sa nasabing 12 rehiyon ng Amerika, sa pagitan ng Agosto hanggang Oktubre ng 2019.
 

Ito ay di-hamak na mas maaga kaysa unang kumpirmadong kaso na isinapubliko ng panig opisyal ng Amerika, na Enero 20, 2020.
 

Ipinakikita rin ng pananaliksik na may 50% kompiyansa ng probabilidad na lumitaw ang unang kaso ng pagkahawa sa coronavirus sa Wuhan noong Disyembre 20 ng 2019.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method