Tsina: magkakasamang pagsisikap, kailangang isagawa ng limang permanenteng miyembro ng UNSC para pasulungin ang kooperasyong pandaigdig

2021-09-24 15:29:56  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, dumalo Setyembre 23, 2021, si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa Pagtatagpo ng mga Ministrong Panlabas ng Pirmihang Miyembro ng United Nations Security Council (UNSC) at Pangkahalatang Kalihim ng UN.

Tsina: magkakasamang pagsisikap, kailangang isagawa ng limang permanenteng miyembro ng UNSC para pasulungin ang kooperasyong pandaigdig_fororder_02wangyi

Ipinahayag ni Wang na ang kasalukuyang mundo ay nasasadlak sa kawalang katiyahan at kawalang katatagan.

 

Kaya, ang pag-asa ng komunidad ng daigdig ay nakasalalay sa limang permanenteng miyembro ng UNSC, partikular, sa inaasahang lalo pang pagpapalakas ng kanilang pagkakaisa at koordinasyon para magdulot ng kompiyansa at katatagan sa buong daigdig.

 

Kaugnay nito, ipinalalagay ng Tsina na, una, dapat gawin ng limang permanenteng miyembro ang kanilang tungkulin para pangalagaan ang kapayapaan sa daigdig.

 

Ikalawa, dapat isakatuparan ng limang permanenteng miyembro ang kanilang responsibilidad para sa aktuwal na pagsasagawa ng multilateralismo.

 

Ikatlo, dapat isabalikat ng limang permanenteng miyembro ang kanilang misyon para sa pagpapasulong ng pagkakaisa ng daigdig sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

At ika-apat, dapat isagawa ng limang permanenteng miyembro ang kanilang trabaho para sa pagpapasulong ng kooperasyong pandaigdig.

 

Samantala, nagpalitan din ang mga kalahok hinggil sa usapin ng Afghanistan, isyung nuklear ng Iran, pagpapalakas ng koordinasyon ng limang permanenteng miyembro ng UNSC at iba pa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method