Paratang ng Britanya sa Rusya: “puppet government,” tinatangkang itayo sa Ukraine; Rusya, pumalag

2022-01-24 10:53:29  CMG
Share with:

Sa gitna ng patuloy na umiigting na situwasyon sa Ukraine, ipinahayag kamakailan ng Britanya na tinatangka ng Rusyang bumuo ng isang “puppet government” sa Ukraine.

Kaagad namang tumugon ang Rusya at sinabing, “ito ay isang kasinungalingan.”

Sa isang pahayag na inilabas ng Ministring Panlabas ng Rusya, sinabi nitong pinatutunayan ng mga ikinakalat na pekeng impormasyon ng Britanya na pinapalala lamang ng mga bansa ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang situwasyon sa paligid ng Ukraine.

Hinimok din nito ang iba’t-ibang panig na itigil ang mga probokatibong aksyon.

Samantala, sinabi ng panig Amerikano na “totoo” ang isiniwalat na impormasyon ng Britanya.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method