Ika-30 anibersaryo ng relasyong Sino-Israeli, ipinagdiriwang: mensaheng pambati, ipinadala sa isa’t-isa ng mga pangulo ng Tsina at Israel

2022-01-24 16:25:19  CMG
Share with:

Nagpalitan ng mga mensahe pambati, Enero 24, 2022 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Isaac Herzog ng Israel, kaugnay ng ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
 

Tinukoy ni Xi na sapul nang maitatag ang relasyong Sino-Israeli, lumalalim ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at natamo ang pangmalayuang pag-unlad.

Ika-30 anibersaryo ng relasyong Sino-Israeli, ipinagdiriwang: mensaheng pambati, ipinadala sa isa’t-isa ng mga pangulo ng Tsina at Israel_fororder_20221024TsinaIsrael

Lubos na pinahahalagahan ni Xi ang pag-unlad ng relasyong Sino-Israeli, at nakahanda siyang magpunyagi, kasama ni Pangulong Herzog, para mapalakas ang pagtitiwalaang pulitikal, mapalalim ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta, mapalawak ang people-to-people exchanges, mapasulong ang matatag na pag-unlad ng may inobasyong komprehensibong partnership, at ihatid ang benepisyo sa kapuwa bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
 

Umaasa naman si Pangulong Herzog na mag-iibayo ang relasyong Israeli-Sino sa loob ng kanyang termino.
 

Nang araw ring iyon, nagpalitan din ng mensaheng pambati ang mga punong ministro ng dalawang bansa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method