|
||||||||
|
||
Isinalaysay ng white paper ang saligang kalagayan at mga pangunahing bunga ng repormang hudisyal ng Tsina. Ipinakita rin nito ang paninindigan at determinasyon ng bansa sa pangangalaga sa pagkakapantay-pantay ng lipunan, katarungan, at karapatang pantao.
Tinukoy nitong sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, mabilis na umuunlad ang kabuhayan at lipunan nito. Kasabay nito, lumitaw ang maraming bagong kalagayan at problema sa usaping hudisyal, kasama na, ang mga depekto sa umiiral na sistema at mga gawaing hudisyal. Anito, dapat ayusin ang mga naturan sa pamamagitan ng reporma.
Binigyang-diin ng white paper na dapat isagawa ng Tsina ang repormang hudisyal, batay sa sariling kalagayan ng bansa. Dapat magpokus ito sa paglutas ng mga isyung nagbibigay ng kawalang-kasiyahan sa mga mamamayan, at dapat ipasailalim sa superbisyon ng mga mamamayan ang repormang hudisyal.
Ayon pa rin sa white paper, ang repormang hudisyal ay mahalagang bahagi ng reporma sa sistemang pulitikal ng Tsina, at unti-unti itong lalalim, kasunod ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |