|
||||||||
|
||
Pagkaraan ng pagbaba noong ika-2 kuwarter ng taong ito, tumaas na sa kasalukuyan, ang paglaki ng kabuhayang Tsino. Naganap ang bagong tampok sa pagsasaayos ng estruktura nito, at ang kabuhayang Tsino ay unti-unti nang nagiging matatag, at nagsimula nang tumaas.
Ayon sa pinakahuling estadistika, noong Setyembre ng kasalukuyang taon, ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina ay lumaki nang 3.3% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon, pero, ang estadistika noong Oktubre ay umabot sa 6.5%. Maliwanag na naganap ang paglaki. Hinggil dito, tinukoy ni Li Jian, Mananaliksik ng Chinese Academy of International Trade and Economic Cooperation, na ang maliwanag na paglaki ng pagluluwas noong nakaraang buwan ay dahil sa pagpapanumbalik ng pangangailangan mula sa ibayong dagat. Kasabay ng sunud-sunod na pagpasok ng panahon ng malaking konsumsyon at pagpoprodyus ng mga maunlad na ekonomyang tulad ng Europa at Amerika, tiyak na magpapatuloy ang naturang mainam na tunguhin ng kalakalang panlabas ng Tsina sa darating na 2 buwan.
Bukod dito, ayon sa Purchasing Management Index (PMI) sa sector ng paggawa ng Tsina na ipinalabas kamakailan, ang PMI noong Oktubre ay umabot sa 51.4% na lumikha ng bagong record noong nakaraang 18 buwan.
Nitong nakaraang isang taon, ang kabuhayang Tsino ay unti-unting nagiging matatag, at nagsimula na ring tumaas. Ang dahilan nito ay nasa dalawang larangan: sa isang banda, nagiging mas mabuti ang kapaligirang panlabas ng kabuhayang Tsino; at sa kabilang banda naman, sunud-sunod na ipinalabas ng pamahalaang Tsino ang matatag na patakarang ekonomiko sa taong ito. Ipinalalagay ni Liu Shiguo, Mananaliksik ng Institute ng World Economics and Politics of Chinese Academy of Social Sciences, na sa kasalukuyan, matatanaw na ang masaganang ani sa agrikultura, natamo ang positibong progreso ang pag-uupdate ng industriya, patuloy na dinaragdagan ang pagtrabaho, at walang humpay na pinapataas ang kita ng mga mamamayan. Ang naturang mga mabuting kalagayang pangkabuhayan ay dahil sa positibong patakaran ng Tsina sa taong ito na tulad ng pagpapasulong ng reporma, pagsasaayos ng estruktura ng kabuhayan at iba pa.
Sapul nang pumasok ang taong ito, isinagawa ng pamahalaang Tsino ang mga hakbangin na mabuti sa katatagan ng kasalukuyang kalagayan at sa hinaharap. Sa ilalim ng pagpapasulong ng isang serye ng hakbangin, tiyak na lalo pang uunlad ang kabuhayang Tsino.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |