|
||||||||
|
||
Sinabi ng isang iskolar ng Malaysia na batay sa dokumentong ito, magsasagawa ang Tsina ng malalim na reporma sa kabuhayan, pulitika, kultura, lipunan, ekolohiya, at mga iba pang larangan, para lumikha ng bagong masiglang kalagayan ng bansa.
Ipinalalagay naman ng media ng Indonesya, na ang nabanggit na dokumento ay pangkalahatang target at plataporma hinggil sa pagpapalalim ng reporma ng Tsina sa mahabang panahon sa hinaharap, at magbibigay din ito ng malaking ambag sa pagsasakatuparan ng "Chinese Dream."
Ayon naman sa ulat ng pahayagang Bangkok Biz ng Thailand, ang hakbangin sa dokumentong ito hinggil sa pagkumpleto ng sistema ng pamilihang pinansyal ay magpapasulong sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa ibayong dagat, at positibo ang Thailand na makakaakit ng pamumuhunang Tsino.
Sinabi naman ng pahayagang Lianhe Zaobao ng Singapore, na ang isasagawang reporma ng Tsina ay sa pamamagitan ng unti-unting paraan: ito ang iginigiit ng bansa nitong mahigit 30 taong nakalipas, at angkop ito sa kasalukuyang kondisyon ng Tsina.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |