Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

ASEAN-China Centre: lalo pang pasusulungin at patataasin ang relasyon ng Tsina at ASEAN

(GMT+08:00) 2013-12-16 17:06:27       CRI
Sa ika-17 ng Disyembre, dito sa Beijing, ipagdiriwang ng ASEAN-China Centre ang ika-2 anibersaryo ng pagkakatatag ng sentrong ito. Sinabi ni Ma Mingqiang, Pangkalahatang Kalihim ng naturang sentro na bilang inter-governmental international organization, sa mula't mula pa'y, naglalayon ang ASEAN-China Centre na pasulungin ang pagkaunawa, pananalig, pagpapalitan at kooperasyon sa pagitan ng Tsina at ASEAN.

Noong ika-18 ng Nobyembre, 2011, sa Ika-14 na Pulong ng mga Lider ng Tsina at ASEAN at Summit bilang Paggunita sa Ika-20 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Dialogue Partnership ng Tsina at ASEAN na idinaos sa Bali Island, opisyal na itinatag ang ASEAN-China Centre. Sa seremoniya ng pagbubukas nito, ipinahayag ni Wen Jiabao, Dating Premiyer ng Tsina na tiyak na buong lakas na kakatigan ng ASEAN at Tsina ang gawain ng ASEAN-China Cenre para pasulungin ang pangkaibigang pagpapalitan at kooperasyon ng dalawang panig. At buong pagkakaisang sinang-ayunan ng mga lider ng Tsina at ASEAN ang pahayag ni Wen.

Sapul nang itatag ang ASEAN-China Centre, nagsisikap ito para pasulungin ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa iba't ibang larangan. Hanggang Oktubre, 2013, idinaos ng ASEAN-China Centre ang mahigit 250 proyekto na may kinalaman sa pagpapalitan ng tradisyonal na kultura, pagpapalaganap ng produkto ng Tsina at mga bansang ASEAN, simposyum hinggil sa iba't ibang tema at iba pa.

Sa panahon ng ika-16 na Pulong ng mga Lider ng Tsina at ASEAN na idinaos noong ika-9 ng Oktubre sa taong ito sa Bandar Seri Begawan, Brunei, iniharap ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina ang pagsasagawa ng Tsina at ASEAN ng mas maraming hakbangin ng pagbubukas sa kalakalan ng paninda at serbisyo, pamumuhunan at kooperasyon at sa iba pang larangan. Kinumpirma ng Tsina at ASEAN na ang 2014 ay taon ng pagpapalitan ng kultura ng dalawang panig.

Ang taong ito ay ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN. Ipinahayag ng ASEAN-China Centre na ang nukleong tungkulin ng sentrong ito ay pagpapasulong ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa kalakalan, pamumuhunan, turismo, edukasyon, kultura at iba pang larangan. Patuloy na magsisikap ang ASEAN-China Centre para lalo pang pasulungin at pataasin ang relasyon ng Tsina at ASEAN.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>