Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Biyahe ni Kerry, naglalayong pasulungin ang estratehiya ng E.U. sa Asya Pasipiko

(GMT+08:00) 2013-12-17 18:54:11       CRI

Sa kanyang pagdalaw sa Biyetnam, ipinatalastas kahapon ni John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos(E.U.) na magkakaloob ang kanyang bansa ng pondo sa Biyetnam para tulungan ito sa pagbili ng patrol vessel. Bukod dito, ang pagpapasulong ng talastasan ng Trans Pacific Partnership Agreement o TPP at ng umano'y malaya at ligtas na paglalayag sa South China Sea ay nagsisilbing pangunahing paksang tinalakay ni Kerry. Samantala, bibisita si Kerry sa Pilipinas sa ika-17 ng buwang ito. Sapul nang manungkulan sa kanyang tungkulin, ito ang ika-4 na pagdalaw ni Kerry sa Timog silangang Asya. Ayon sa mga dalubhasa, ang kasalukuyang biyahe ni Kerry ay naglalayong pasulungin ang estratehiya ng E.U. na rebalancing sa Asya Pasipiko na naapektuhan dahil hindi nakadalo ng ASEAN Summit si Pangulong Barack Obama noong Oktubre ng taong ito.

Tungkol sa paksa ng malaya at ligtas na paglalayag sa South China Sea, pagkaraang katagpuin ni John Kerry, ipinahayag ni Pham Binh Minh, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Biyetnam na susundin ng Biyetnam ang komong palagay na narating nila ng Panig Tsino para magkasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito.

Ayon sa ulat ng Vietnamese media, ipinahayag nang araw ring iyon ni Kerry na magkakaloob ang E.U. ng 18 milyong dolyares na pondo sa Biyetnam para tulungan ito sa pagpapataas ng kakayahan ng coast guard ng Biyetnam para agad na magkatugon at magsagawa ng gawaing panaklolo at pangangalaga sa kaligtasang pandagat. Ang nasabing pondo ay gagamitin, pangunahin na, sa pagbili ng limang patrol vessel mula sa E.U. at tinatayang opisyal na ililipat ng panig Amerikano ang mga vessel sa panig Biyetnames sa taong 2014. Samantala, magkakaloob pa ang E.U. ng 32.5 milyong dolyares sa mga bansang ASEAN para tulungan ang mga bansa sa pangangalaga sa soberanya ng teritoryong pandagat at kalayaan ng paglalayag.

Kasabay nito, ayon sa ulat ng GMA Network Kahapon, ipinahayag ni Raul S. Hernandez, Tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs(DFA) ng Pilipinas na mula ika-17 hanggang ika-18 ng buwang ito, dadalaw sa Pilipinas si John Kerry. Tatalakayin ng magkabilang panig ang mga paksang tulad ng talastasan sa balangkas na kasunduan ng presiyensyang militar ng E.U. sa Pilipinas, isyu ng South China Sea at iba pa.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>