|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kamakalawa ng Organization for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW) ng United Nations na ang Tsina, Rusya, Estados Unidos, Norway at ibang bansa ay magkakasamang tumutulong sa Syria para maayos na isagawa ang gawain ng pagsira sa sandatang kemikal, at sinimulan na ang gawaing ito kahapon. Ipinagkaloob ng Tsina at Rusya ang convoy pandagat para sa paglilipat ng mga sandatang kemikal ng Syria.
Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa mula't mula pa'y, kinakatigan ng Tsina ang gawain ng pagsira sa sandatang kemikal ng Syria ayon sa balangkas ng UN at OPCW. At ang pagpapadala ng bapor pandigma ng Tsina para ihatid ang naturang mga sandatang kemikal ay isang mahalagang hakbangin ng Tsina sa pagsasakatuparan ng Resolusyon Bilang 2118 ng UN Security Council at iba't-ibang kapasiyahan ng OPCW hinggil sa pagsira ng sandatang kemikal ng Syria.
Ang paglilipat ng mga sandatang kemikal ng Syria ay masusing bahagi ng gawain ng pagsira. Ipinalalagay ni Dong Manyuan, Pangalawang Puno ng China Institute of International Studies na ang pagkakaloob ng hukbong pandagat ng Tsina ng convoy para sa gawain ng pagsira ay naglalayong igarantiya ang maalwang pagsasagawa ng gawaing ito at likhain ang mabuting kondisyon para sa paglutas ng isyung pulitikal sa Syria. Kasabay nito, ang naturang convoy ay nagpakita na ang Tsina ay malakas na puwersa sa paggarantiya ng katatagan ng rehiyon at pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig. Ito ay nagpakita rin ng imahe ng Tsina bilang isang responsableng umuunlad na dakilang bansa.
Ang naturang convoy ay isang multilateral na aksyon na iniatang ng UN. Ipinahayag rin ni Dong na ang pagsasangkot ng hukbong pandagat ng Tsina sa convoy ay nagpakita rin na iginagalang at kinakatigan ng Tsina ang UN na gumaganap ng namumunong papel sa larangan ng pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig at paghahawak sa mainit na isyung panrehiyon.
Bukod dito, sa preskong idinaos kahapon, sinabi rin ni Hua Chunying na tulad ng dati, ipagkakaloob ng Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig, ang kinakailangang pagkatig para sa gawain ng pagsira ng sandatang kemikal ng Syria.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |