Sa panahon ng paglahok sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits at Related Summits sa Vientiane, Laos, nag-usap kamakalawa, Miyerkules, ika-7 ng Setyembre 2016, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.
Ipinahayag ni Li ang pag-asang magkasamang magsisikap ang Tsina at Pilipinas, para bumalik ang relasyon ng dalawang bansa sa normal na landas ng malusog at matatag na pag-unlad.
Sinang-ayunan naman ni Duterte ang posisyon ni Premyer Li. Ipinahayag din niya ang hangaring pabutihin ang relasyong Pilipino-Tsino.
Salin: Liu Kai