Idinaos kaninang umaga, Marso 12, 2017 sa Beijing ang ika-3 pulong ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) para pakinggan at suriin ang work report ng Supreme Court at Supreme Procuratorate ng bansang ito.
Sa kanyang work report, ipinahayag ni Zhou Qiang, Punong Hukom ng Supreme Court, na noong taong 2016, lubos na pasulungin nito ang gawaing pagparusa sa krimen at pangangalaga sa karapatang pantao. Sinabi pa niyang sa taong 2017, pabibilisin ang konstruksyon ng sosyalistang sistemang hudisyal.
Sa kanyang work report naman, sinabi ni Cao Jianming, Prokurador Heneral ng Supreme Procuratorate, na noong taong 2016, lubos isinakatuparan nito ang mga tungkulin sa pangangalaga sa katatagan at kaligtasan ng bansa. Dagdag pa niya, sa taong 2017, patuloy na bibigyang dagok nito ang korupsyon at pangangalagaan ang karapatang pantao.