Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Teroristikong pag-atake sa London, 5 napatay at mahigit 40 nasugatan

(GMT+08:00) 2017-03-23 16:47:11       CRI
Naganap Miyerkules ng hapon, ika-22 ng Marso 2017, local time, sa London, Britanya, ang isang teroristikong pag-atake. Hanggang sa kasalukuyan, ikinamatay ito ng 5 katao na kinabibilangan ng ataker, at ikinasugat ng mahigit 40 iba pa.

Naganap ang insidenteng ito sa sentro ng London. Isang itim na sasakyan na minamaneho ng ataker ang nanagasa sa mga tao sa Westminster Bridge. Pagkatapos, bumangga ang sasakyang ito sa main gate ng Houses of Parliament, at bumaba ang ataker. Sa pamamagitan ng lanseta, pinagsasaksak ng ataker ang mga pulis doon. Binaril at pinatay siya ng mga pulis.

Pagkaraang maganap ang insidente, sinarhan ng panig pulisya ng Britanya ang Houses of Parliament at mga karatig na lugar, para sa imbestigasyon. Ipinatalastas nila ang insidente na teroristikong pag-atake.

Bilang tugon sa insidente, ipinatawag ni Punong Ministro Theresa May ng Britanya ang pangkagipitang pulong ng gabinete, at ini-utos niya ang paglalagay sa kalahating tagdan ng pambansang watawat sa tanggapan ng punong ministro, bilang pagluluksa sa mga nasawi sa pag-atake. Sinabi rin niyang babalik sa normal na takbo ang London, at hinding hindi yuyuko ang Britanya sa terorismo.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>