Washington D.C. Estados Unidos—Sinimulan Miyerkules, Agosto 16, 2017 ng Amerika, Canada at Mexico ang unang round ng talastasan hinggil sa pagsusog sa North American Free Trade Agreement (NAFTA).
Ang NAFTA na nilagdaan ng nasabing tatlong bansa ay nagkabisa noong 1994. Dahil sa mabilis na pagbabago ng kabuhayan ng tatlong bansa nitong mahigit 20 taong nakalipas, nakatakdang ilakip sa bagong bersyon ng kasunduan ang mga bagong larangang gaya ng digital economy, serbisyo, karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip at pangangalaga sa lakas-manggagawa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio