|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Ito ang ipinahayag ni Pangulong Xi sa kanyang pakikipagtagpo kay Abe nitong nagdaang Sabado, Nobyembre 11, 2017 sa sidelines ng kanilang paglahok sa Ika-25 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting sa Vietnam.
Sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina (kanan) at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon (kaliwa)
Ipinagdiinan ni Xi na ang mutuwal na pagtitiwalaan ay ang susi sa pagpapabuti ng relasyong Sino-Hapones. Inulit din ni Xi ang kahilingan sa Hapon na maayos na hawakan ang isyu ng mapanalakay na kasaysayan nito sa mga kapitbansang Asyano, isyu ng Taiwan, at ibang mga isyung pinakamahalaga sa relasyong pulitikal ng Tsina at Hapon, batay sa apat na dokumentong pulitikal at ibang pagkakasundo na narating ng dalawang bansa.
Sinabi ni Xi na ngayong taon ay ang ika-45 anibersaryo ng normalisasyon ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Hapon at ang taong 2018 ay ika-40 anibersaryo ng pagkakalagda ng China-Japan Treaty of Peace and Friendship. Hinimok niya ang pamahalaang Hapones na samantalahin ang nasabing mga pagkakataon para mapasulong ang pagpapabuti ng relasyong Sino-Hapon at magdulot ng kapakinabangan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Abe ang kahandaan na samantalahin ang nasabing mga pagkakataon para mapasulong ang estratehikong partnership na may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa. Nakahanda rin aniya ang Hapon na magsagawa, kasama ng Tsina, ng mga pragmatikong pagtutulungan hinggil sa Belt and Road Initiative (OBOR), turismo, kultura at pagpapalitan ng mga kabataan. Ang Hapon ay punong-abala ng 2020 Olympic Games at ang Tsina ay punong-abala ng 2022 Winter Olympic Games. Nais ng Hapon na makipagpalitan at makipagtulungan sa Tsina hinggil sa nasabing mga palaro, dagdag pa ni Abe.
Salin: Jade
Photo credit: Xinhua/Lan Hongguang |
Pulido: Rhio
| v Pagbibigay-tulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng konsumo, mabunga 08-14 11:16 |
| v Mga kabataan, may mahalagang papel sa pagpigil ng pagkalat ng pandemiya¡XDirektor Heneral ng WHO 08-13 16:04 |
| v 2020 CIFIT, gaganapin sa Xiamen; Pilipinas, guest of honor 08-13 16:00 |
| v CMG Cartoon: Amerika, isang malaking katatawanan 08-13 15:48 |
| Clarissa Cabral, gagawaran ng top honors sa Shanghai Jiao Tong University; naniniwalang may "Beauty in Uncertainty" sa gitna ng pandemic |
| Ika-23 Shanghai International Film Festival, magsisimula sa Hulyo 25; Lav Diaz at Kristoffer Brugada lalahok |
| FilTeach Guangzhou, paghahandaan ang Online Learning sa panahon ng "new normal" |
| Kwentong Kusina sa panahon ng pandemiya: Mga Pinoy sa Tsina |
| More>> |
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |