Sinimulan kahapon, Lunes, ika-11 ng Disyembre 2017, sa Hepu County, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, ang 2017 China-ASEAN International Touring Assembly at China-ASEAN Journalists Rally.
Kalahok ang 20 racer na Tsino, at 20 iba pa mula sa iba't ibang bansa ng ASEAN, sa 18-araw na karerang ito, na halos 10 kilometro ang kabuuang haba.
Sa kauna-unahang pagkakataon, idaraos ang naturang karera sa lahat ng 10 bansang ASEAN. Ipagkakaloob ng iba't ibang bansa ang mga kotse para sa mga kalahok, at tinatayang gagamitin ang 108 kotse sa buong karera.
Salin: Liu Kai