Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

15th Foreign Ministers' Meeting ng Tsina, Rusya at India, idinaos

(GMT+08:00) 2017-12-12 09:37:30       CRI

New Delhi, India-Idinaos Disyembre 11, 2017 ang Ika-15 Regular na Diyalogo ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina, Rusya, at India. Dumalo sa pagtitipon sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya, at Ministrong Panlabas Sushma Swaraj ng India.

Ipinahayag ng tatlong ministro na nitong 15 taong nakalipas sapul ng pagkakatatag ng mekanismong pandiyalogo ng tatlong panig, nagiging masigla ang kanilang pagtutulungan, at magiging mas malaki ang potensyal nito sa hinaharap.

Umaasa anila silang ibayo pang mapapahigpit ang koordinasyon at kooperasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, na gaya ng sagupaang panrehiyon, pag-unlad ng kabuhayan, paglaban sa terorismo, pagbabago ng klima, at iba pa, batay sa balangkas ng mga multilateral na mekanismong panrehiyon at pandaigdig na gaya ng UN, G20, BRICS, SCO, at iba pa. Ito anila'y para pasulungin ang pagtatatag ng mas makatarungan at demokratikong kaayusang pandaigdig.

Anila, bilang isang bukas na regular na mekanismong pangkooperasyon, ang pagtutulungan ng Tsina, Rusya at India ay hindi nakatuon sa ikatlong panig. Ito ay hindi lamang angkop sa komong interes ng mga emerging market at umuunlad na bansa, kundi makakatulong din sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.

Nang araw ring iyon, ipinalabas din ang magkasanib na kumunike ng tatlong panig.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>