|
||||||||
|
||
Mula ika-19 hanggang ika-21 ng Pebrero, itinataguyod sa SMX Convention Center sa SM Lanang, Davao City ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at Philippine Information Agency (PIA) ang unang National Information Convention (NIC). Ang tema nito ay "Spurring Development and Empowering Communities through Information."
Director General Harold E. Clavite ng PIA
Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Director General Harold E. Clavite ng PIA na layunin ng NIC ang pagpapalalim ng kaalaman ng mga information officers sa sariling papel sa pagdulot ng positibong epekto sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Sinabi pa niyang pinahahalagahan ng pamahalaang Pilipino ang pagpapahigpit ng relasyon sa pagitan ng mga public at private sector communicators, at nakahandang mahubog ang isang ligtas at malusog na kapaligiran para sa bawat media personnel.
Davao City Councilor Maria Belen S. Acosta
Binasa ni Davao City Councilor Maria Belen S. Acosta ang welcome remarks ni Mayor Sara Z. Duterte. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Duterte na "Communication serves as the clutch of the government's vehicle that allow advocacies to keep rolling towards good governance."
Umaasa aniya siyang magiging starting point ang NIC sa pagpapawi ng anumang "misinformation" sa bansang ito.
(L-R) Sina Anna Mae Y. Lamentillo, Chairperson ng Build Build Build Committee; Jonathan E. Malaya, Assistant Secretary ng Department of Interior and Local Government; Ernesto C. Abella, Under Secretary ng Department of Foreign Affairs; at Ernesto Felix William B. Fuentebella, Under Secretary ng Department of Energy, habang sumasagot sa mga tanong ng kalahok na kinatawan
Sa unang araw ng 2018 NIC, inilahad ng mga mataas na opisyal ng pamahalaang Pilipino ang kaalaman at kahalagahan ng mga umiiral na programa at patakaran na gaya ng "Build Build Build", E-power mo, federalism, nagsasariling patakarang panlabas, at freedom of information.
Nag-rehistro ang mga kalahok na kinatawan
Ayon sa agenda ng NIC, kabilang sa mga aktibidad sa ikalawang araw ang pagpopromote ng responsibleng komunikasyon at pagpapasulong ng mapuwersang estratehiya ng komunikasyon.
Ang aktibidad sa huling araw ay hinggil sa papel ng mga mga mamamayan sa nation-building.
Samantala, bubuksan at isasaoperasyon ang isang bagong provincial communication officers network sa buong bansa.
Pagbisita ng mga kalahok na kinatawan sa pagtatanghal ng mga serbisyo at produkto
Habang idinaraos ang NIC, itinatanghal ang mga serbisyo, at produkto ng mga kalahok na agencies na gaya ng PCOO, Philippine Broadcasting Service, PTV 4, at Radio Television Malacañang (RTVM) sa SMX Convention Center.
Ulat: Ernest Wang
Larawan: Sissi Wang /Ernest Wang
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |