Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Duterte APP, di vanity

(GMT+08:00) 2018-02-20 18:14:16       CRI
Davao City--Pormal na inilunsad dito Martes, Pebrero 20, 2018 ang isang espesyal na smartphone application na DU30 para maging tulay ng komunikasyon sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at mga mamamayan ng bansang ito.

Paolo Saycon, Founder and CEO ng iBayad Online Ventures Inc

Ayon kay Paolo Saycon, Founder and CEO ng iBayad Online Ventures Inc, nagdebelop ng nasabing APP, na bago nila gawin ang APP, sinabi sa kanila ni Secretary Martin M. Andanar ng Presidential Communications Operation Office (PCOO) na ang nasabing APP "hindi dapat maging pampa-pogi lamang sa pangulo."

Sinabi pa niyang sa pamamagitan ng DU30 APP, maaring malaman ng mga users ang mga impormasyon hinggil sa pamahalaan at kay Pangulong Duterte mismo, mag iwan ng mga comment, feedback at mga kahilingan, tumawag sa 8888 Citizen Hotline at 911 Emergency dispatch para humingi ng tulong.

Secretary Martin M. Andanar ng Presidential Communications Operation Office (PCOO)

Sa 2018 National Information Convention (NIC), ipinatalastas ni Secretary Andanar ang paglulunsad ng DU30 APP. Sinabi niyang kinakaharap ng bansang ito ang banta ng misinformation at fake news at sa panahon ng mobile phone, ang nasabing APP ay magpapahigpit ng komunikasyon sa pagitan ng pamahalaan at mga mamamayan.

Sa araw ng pagbubukas ng NIC, idinaos ng Senate ang hearing hinggil sa kaso ng pagkakasangkot kay Secretary Christopher "Bong" Go sa proyekto ng Philippine Navy sa pagbili ng mga frigate na nagkakahalaga ng 16 bilyong piso. Sinabi ni Secretary Go sa hearing na ang mga ulat ng Rappler ay "fake news" at mali.

Ipinakikita ni Saycon ang function ng DU30 APP

Ang DU30 APP ay idinebelop sa ilalim ng awtorisasyong ibinigay ng PCOO. Maaring magdownload ang mga mobile phone users ng APP sa Apple Store at Google Play. Bukod sa komunikasyon kay Pangulong Duterte, maaari ring manood at makinig ang mga users ng mga programa ng Radyo Pilipinas, PTV at RTVM.

Sa kanyang mensahe sa NIC, sinabi ni Pangulong Duterte na umaasa siyang gagamitin ng mga information officers ang anumang plataporma sa pagkalat ng mga impormasyon sa publiko para pahigptin ang relasyon sa pagitan ng pamahalaan at mga mamamayan at pasulungin ang kanilang pagkaunawa, at pagtanggap sa mga programa at patakaran ng pamahalaan.

Ayon kay Saycon, bago ang katapusan ng taong ito, inaasahang konektado na ang DU30 APP sa lahat ng mga departamento ng pamahalaan, para agarang tanggapin at sagutin nila ang mga problemang panglipunan na iuulat ng mga mamamayan sa pamamagitan ng APP.

Mga Functions ng DU30 APP

Sinabi ni Saycon na kung ganoon, ang bawat Pilipino ay magiging monitor ng pamahalaan sa mga isyung panlipunan. Ani pa niya handa na ang teknolohiya ng APP para rito, ang aktuwal na oras ng paglulunsad ng nasabing serbisyo ay depende sa oras ng paghahanda ng mga departamento ng pamahalaan.

Bilang isang financial technology company, sinabi ni Saycon na umaasa siyang susuportahan ng DU30 APP ang online payment kung saan maaaring bayaran ng mga users ang water and electricity fees.

Ulat: Ernest Wang
Larawan: Sissi Wang

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>