Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Promosyong panturismo na nakatuon sa pamilihan ng Tsina, idinaos ng Myanmar

(GMT+08:00) 2018-10-22 15:55:50       CRI

Sa pagtataguyod ng Ministri ng Hotel at Turismo ng Myanmar, idinaos nitong Sabado, ika-20 ng Oktubre 2018, sa Yangon, ang promosyong panturismong nakatuon sa pamilihan ng Tsina. Inanyayahan dito ang mga airline company, samahan ng turismo, at travel agency ng dalawang bansa.

Sa promosyon, pinakinggan ng mga opisyal ng Ministri ng Hotel at Turismo ng Myanmar ang mga mungkahi ng iba't ibang panig hinggil sa mga hakbanging puwedeng isagawa ng pamahalaan ng Myanmar, para hikayatin ang marami pang turistang Tsino sa bansa. Ang mga mungkahi ay sumasaklaw sa maraming aspekto, na gaya ng pagpapalakas ng promosyon, pagkakaloob ng mga serbisyo batay sa pangangailangan ng mga turistang Tsino, pagpapabuti ng mga imprastruktura at pasilidad na panturismo, at iba pa.

Bagama't hitik ang Myanmar sa mga yamang panturismo, hindi malaki ang bilang ng mga turistang Tsino sa bansa. Noong 2017, natanggap lamang ng Myanmar ang mahigit 400 libong turistang Tsino.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>