Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina't Rusya, nakahandang i-doble ang kalakalan, at ibayo pang isulong ang kooperasyon

(GMT+08:00) 2019-09-18 09:16:13       CRI

Sumang-ayon ang Tsina't Rusya na ibayo pang pasulungin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan para maisakatuparan ang target ng pagdodoble ng bilateral na kalakalan sa 200 bilyong dolyares sa taong 2024. Noong 2018, umabot sa 100 bilyon ang kalakalan ng dalawang bansa.

Narating ng Tsina't Rusya ang nasabing kasunduan makaraang idaos nina dumadalaw na Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya ang ika-24 na regular na pulong ng mga puno ng pamahalaan ng dalawang bansa, nitong Martes, Setyembre 17, sa St. Petersburg, Rusya.

Ipinahayag ni Li ang hangarin ng Tsina na mas mainam na iugnay ang Belt and Road Initiative (BRI) sa Eurasian Economic Union (EEU) at ibayo pang mapaginhawa ang kalakalan at pamumuhunan.

Sinabi naman ni Medvedev, na kasabay ng kooperasyon sa mga tradisyonal na larangan na gaya ng enerhiya, nakahandang iangat ng Rusya ang pakikipagtulungan sa Tsina sa high-tech, agrikultura, industriya, abiyasyon at kalawakan, at enerhiyang nuklear.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>