|
||||||||
|
||
Binuksan Biyernes, Setyembre 20, 2019 sa Hefei, Lalawigang Anhui ng Tsina ang World Manufacturing Convention 2019. Nagpadala ng liham na pambati dito si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, malalimang pagbabago ang nagaganap sa industriya ng pagyari ng buong mundo. Dapat aniyang palakasin ng iba't ibang bansa ang kooperasyon, magkasamang samantalahin ang pagkakataon ng bagong round ng rebolusyon sa siyesiya't teknolohiya at industriya, palakasin ang kakayahan sa inobasyon sa teknolohiya, at pasulungin ang renobasyon ng kalidad, episyensiya, at lakas-panulak ng industriya ng pagyari.
Diin ni Xi, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng industriya ng pagyari, iginigiit ang innovation-driven development strategy, at itinuturing na mahalagang bahagi ng pagtatatag ng modernong sistemang pangkabuhayan ang pagpapasulong sa de-kalidad na pag-unlad ng industriya ng pagyari. Aniya, nakahanda ang panig Tsino, kasama ng iba't ibang panig, na pasulungin ang masiglang pag-unlad ng bagong teknolohiya ng industriya ng pagyari, at gawin ang positibong ambag para sa pagpapasulong sa de-kalidad na pag-unlad ng pandaigdigang industriya ng pagyari.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |