Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkakaibigang Sino-Pakistani, palalakasin

(GMT+08:00) 2019-10-09 15:47:07       CRI

Beijing X Sa kanyang pakikipagtagpo Miyerkules, Oktubre 9, 2019 kay Punong Ministro Imran Khan ng Pakistan, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang Tsina at Pakistan ay natatanging all-weather strategic partners. Aniya, sa anumang nagbabagong situwasyong panrehiyon at pandaigdig, patuloy na nagiging matibay at di kailanman masisira ang pagkakaibigang Sino-Pakistani. Sa mula't mula pa'y nananatiling masigla ang kooperasyong Sino-Pakistani, at walang humpay itong napapalawak at napapalalim, ani Xi.

Sinabi ng pangulong Tsino na palagiang inilalagay ng panig Tsino ang Pakistan sa preperensyal na posisyong diplomatiko ng Tsina. Sa mga isyung may kaugnayan sa nukleong kapakanan at malaking pagkabahala ng Pakistan, patuloy na susuportahan ng Tsina ang Pakistan, dagdag pa niya.

Nagpahayag naman si Imran Khan ng mainit na pagbati sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC). Ipinahayag niya na bilang matapat na kaibigan ng Tsina, taos-pusong ikinasisiya ng Pakistan ang mga natamong kahanga-hangang tagumpay ng pag-unlad ng Tsina. Pinasasalamatan aniya ng Pakistan ang mga ibinibigay na matatag na pagkatig at di maramot na tulong ng Tsina.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>