|
||||||||
|
||
Sa kanyang paglalakbay-suri sa lalawigang Zhejiang sa silangang Tsina, bumisita kahapon, Lunes, ika-30 ng Marso 2020, si Pangulong Xi Jinping ng bansa, sa Nayong Yucun.
Kinausap niya ang mga tagabaryo, at inalam ang malaking pagbabagong naganap sa lugar, sa pamamagitan ng pagpapasulong ng berdeng kaunlaran.
Noong 2005, naglakbay-suri rin sa Yucun si Xi, bilang Party Secretary ng Zhejiang, at iniharap niya ang konseptong "napakahalagang mga ari-arian ang malinis na katubigan at luntiang kabundukan."
Nitong 15 taong nakalipas, batay sa konseptong ito, isinara ng Yucun ang mga pabrikang lumilikha ng polusyon sa kapaligiran, at pinapasulong ang ecological economy. Noong isang taon, umabot sa halos 50 libong yuan RMB o mahigit 7,000 Dolyares ang taunang kita per capita sa nayong ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |