|
||||||||
|
||
Sinabi nitong Lunes, Marso 30, 2020 ni Liu Haitao, opisyal ng Pambansang Kawanihan ng Pandarayuhan ng Tsina, na maaari muling mag-aplay ng visa sa mga embahada't konsulado ng Tsina sa kani-kanilang mga bansa ang mga dayuhang may tunay na pangangailangan sa pagpunta sa Tsina gaya ng pagsasagawa ng pagtutulungan at pagpapalitan sa larangan ng kabuhaya't kalakalan, siyensiya't teknolohiya, at paglaban sa epidemiya, o may pangkagipitang dahilang makatao.
Dagdag ni Liu, upang mabisang pigilan ang panganib ng pagpasok ng mga nahawahan ng virus mula sa ibayong dagat, magkasanib na inilabas ng Ministring Panlabas ng Tsina at kanyang kawanihan ang proklamasyong nagsasaad ng takdang limitasyon sa pagpasok ng mga dayuhan sa bansa. Ito aniya ay pansamantalang limitasyon na ginawa batay sa aksyon ng maraming bansa sa kasalukuyan.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |