Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Sambayanang Tsino, nakikidalamhati sa mga nagbuwis ng buhay sa COVID-19

(GMT+08:00) 2020-04-04 16:21:06       CRI

Ngayong araw, Abril 4 ay Qingming Festival, tradisyonal na kapistahan ng Tsina para gunitain ang mga ninuno, yumaong mahal sa buhay, at pambansang bayani.

Sa diwa ng mga yumao, pinalalakas-loob ng mga Tsino ang sarili at walang-humpay na magpupunyagi.

Ngayon ay Pambansang Araw ng Pagluluksa, bilang pag-alaala sa nasawi sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Alas-10 ng umaga, inialay ang 3 minutong katahimikan ng sambayanang Tsino. Samantala, bilang hudyat sa pagsisimula, sumirena ang mga bus, tren, at bapor, at tumunog ang mga air-raid alarm. Kasabay nito, sa Araw ng Pagluluksa, nasa kalahating tagdan o half-mast ang pambansang watawat sa buong Tsina at mga pasuguan at konsulada ng bansa sa ibayong dagat. Itinigil ang lahat ng kasayahan sa buong bansa.

Sa paglaban sa epidemiya ng COVID-19, 14 na katao nasawi sa frontline ang pinarangalan bilang martir, pinakamataas na pambansang karangalan sa mga nagbuwis ng buhay para sa bayan. Kabilang sa unang batch ng mga martir sina Wang Bing, Feng Xiaolin, Jiang Xueqing, Liu Zhiming, Li Wenliang, Zhang Kangmei, Xiao Jun, Wu Yong, Liu Fan, Xia Sisi, Huang Wenjun, Mei Zhongming, Peng Yinhua, at Liao Jianjun. Nagsilbi sila bilang tauhang medikal, pulis at trabahador ng mga komunidad.

Hanggang hating gabi ng Abril 3, sa Chinese mainland, 3,326 na ang nasawi dahil sa COVID-19. Ang epidemiya ng COVID-19 ay ang pangkagipitang pangyayari ng kalusugang pampubliko na pinakamabilis na kumakalat, pinakamalawak na nahahawa, at pinakamahirap na pinipigil, sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina noong 1949.

Ayon sa di-kompletong estadistika, hanggang ngayon, 46 na tauhang medikal ng Tsina ang nagbuwis ng buhay laban sa COVID-19. Libu-libong doktor at nars ang tumulak sa Wuhan, pinakaapektadong siyudad; o nananatili sa puwesto sa kanilang lokalidad. Itinuturing silang pinakamatapang at pinakamatapat na tagapagtanggol ng buhay at pinakakaibig-ibig na tao.

Sa Abril 8, 2020, aalisin ang lockdown sa Wuhan, na nagsimula noong Enero 23. Isa itong paraan para alalahanin ang mga nasawi para sa nasabing lunsod.

Saad ni Henry Kissinger, dating Kalihim ng Estado ng Amerika, "Laging pinoprotektahan ng mga Tsino ng mga pinakamatapang sa kanila."

Hindi lang sa Tsina, ang lahat ng mga mamamayan ng buong mundo ay pinangangalagaan ng mga pinakamagiting na tao, sa hamon ng pandemic ng COVID-19.

Hanggang alas-16 ng hapon, Abril 3, Beijing Time, bunsod ng COVID-19, 50,322 na ang pumanaw sa buong mundo. Sa Pilipinas, 12 na doktor ang nasawi at 5% ng mga tauhang medikal ng bansa ang naka-kuwarantina.

Sabi ni Romain Rolland, kilalang manunulat na Pranses, "May isa lamang tunay na pagkakabayani sa mundo, makita ang mundo kung ano ang talaga, at mahalin ito."

Sa hamon ng pandemic ng COVID-19, ating alalahanin ang mga tauhang medikal, at magpugay sa lahat ng mga unsung heroes na patuloy na lumalaban sa virus. Samantala, mas mahalin natin ang buhay at panabikan ang mas magandang kinabukasan.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>