Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

WHO, patitingkarin ang mas malaking papel

(GMT+08:00) 2020-05-19 19:04:28       CRI
Sa virtual session ng World Health Assembly (WHA) na binuksan kahapon, Lunes, ika-18 ng Mayo 2020, sinabi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), na mula sa COVID-19 pandemic, napagtanto ng mga tao ang kahalagahan ng usaping pangkalusugan. Dapat aniyang maging mas malusog, ligtas, at patas ang mundo.

Pinasalamatan din ni Tedros ang mga lider ng komunidad ng daigdig sa pagpapahayag ng suporta sa WHO at paggawa ng pangako sa pagbibigay-pondo sa organisasyong ito. Patitingkarin aniya ng WHO ang mas malaking papel sa hinaharap.

Samantala, sinabi ni Tedros, na batay sa kasalukuyang pag-aaral, kahit sa lugar na pinakagrabe ang kalagayan ng COVID-19, lumitaw lamang ang antibody sa 20% ng populasyon. Ito aniya ay nangangahulugang madali pa ring mahawahan ng sakit na ito ang karamihan sa mga tao sa daigdig. Hinimok niya ang iba't ibang bansa na panatilihin ang pag-iingat sa pagharap sa COVID-19.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>