Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping, inenkorahe ang mga pribadong bahay-kalakal

(GMT+08:00) 2020-05-24 13:23:41       CRI
"Ang mga pribadong bahay-kalakal ay nagsisilbing di-mababalewalang puwersa ng pagpapasulong sa pag-unlad ng Tsina. Mahigit 50% ang kanilang na-i-ambag na buwis, at mahigit 60% naman ang kanilang kontrisbusyon sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa."

Ito ang ipinahayag Sabado, Mayo 23, 2020 ni Pangulong Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa kanyang pagdalo sa group meeting ng mga kagawad mula sa sektor ng kabuhayan na kalahok sa ginaganap na sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).

Muli ring pinuri ni Xi ang mga pribadong bahay-kalakal sa kanilang kagila-gilalas na pag-unlad, at naibigay na ambag para sa sosyalismong may katangiang Tsino.

Ayon ka Pangulong Xi, dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, nahaharap ang takbo ng kabuhayang Tsino sa medyo malaking presyur.

Kaya, inenkorahe niya ang mga pribadong bahay-kalakal na walang-patid na humanap ng kalutasan sa magkakaibang hadlang sa magkakaibang panahon, at magpunyagi upang panaigan ang mga ito, upang makamtan ang bagong landas ng pag-unlad.

Salin: Vera

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>