Idinaos Mayo 29, 2020, ang talakayan sa Ika-15 Anibersaryo ng pagsasagawa ng Anti-Secession Law. Binigyan-diin sa talakayan ni Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) na dapat buong tatag na tinututulan ang secession ng mga puwersang ng "pagsasarili ng Taiwan", at buong tatag na pasulungin ang mapayapang unipikasyon ng bansa.
Tinukoy ni Li na ang anumang pananalita at aksyong separatista ng puwersa ng "pagsasarili ng Taiwan" ay ilegal at walang epekto, at hindi maaaring baguhin ang katotohanan na ang Taiwan ay isang bahagi ng Tsina. Ang "mapayapang unipikasyon, at isang bansa, dalawang sistema" ay pinakamabuting paraan ng pagsasakatuparan ng unipikasyon ng bansa. Ang pananangan sa prinsipyo ng Isang Tsina ay pundasyon ng pagsasakatuparan ng unipikasyon ng inang bayan. Dapat panatilihin ng mga mamamayang Tsino ang kompiyansa, at walang humpay na magsisikap para pasulungin ang unipikasyon ng bansa.
Ang Anti-Secession Law ay mahalagang bahagi ng pagpapasulong ng sistema ng pagpapasulong ng mapayapang unipikasyon ng bansa. Isinapubliko at isinagawa ito noong Marso 14, 2005.
Salin:Sarah