Isinapubliko Lunes, Hunyo 1, 2020 ng Supreme Procuratorate ng Tsina ang "White Paper on Juvenile Procuratorial Work" kung saan komprehensibong isinaayos ang proseso ng paglahok ng mga organong prokuratoryal na nagbibigay ng proteksyong hudisyal sa mga menor de-edad mula noong 2014 hanggang 2019.
Ipinakikita ng white paper na nitong ilang taong nakalipas, tumaas ng ilang digri ang bilang ng mga juvenile criminal cases, at tumaas din ang bilang ng mga krimeng lumalapastangan sa mga menor de-edad.
Hindi dapat balewalahin ang ilang bagong kalagayan at problema, dagdag pa nito.
Salin: Lito