Ipinahayag sa Beijing nitong Lunes, Hunyo 1, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang mga diskriminasyong panlahi sa anumang porma.
Ayon sa ulat, kaugnay ng pagkamatay ng isang African American na dahil sa marahas na pagpapatupad ng batas ng white police, ipinahayag sa maraming porma ng Tagapangulo ng Unyong Aprikano at mga lider ng bansang Aprikano ang kanilang matinding pagkondena.
Ani Zhao, sinusuportahan ng panig Tsino ang lehitimong panawagan mula sa Aprika. Nakahanda ang panig Tsino na buong tatag na tutulan kasama ng panig Aprikano ang diskriminasyong panlahi sa anumang porma at mga pananalitang nanunulsol sa racial discrimination at hatred, dagdag pa niya.
Salin: Lito