Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Anumang pananalita at kilos ng panig Amerikano na nakakapinsala sa kapakanan ng Tsina, tatapatan ng ganti

(GMT+08:00) 2020-06-02 15:48:34       CRI

Sinabi nitong Lunes, Hunyo 1, 2020 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong tatag na pangangalagaan ng panig Tsino ang sariling kapakanan sa soberanya, seguridad at kaunlaran. Aniya, buong lakas na gaganti ang panig Tsino sa anumang pananalita't kilos ng panig Amerikano na nakakapinsala sa kapakanan ng panig Tsino, at hinding hindi magtatagumpay ang tangka ng panig Amerikano na hadlangan ang pag-unlad at pag-ahon ng Tsina.

Bumigkas kamakailan ng talumpati si Pangulong Donald Trump ng Amerika, kung saan walang batayang binatikos niya ang Tsina sa mga isyung gaya ng lehislasyon sa pambansang seguridad ng Hong Kong, kalagayan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, kabuhaya't kalakalan at iba pa. Ipinaalam niyang sisimulan ang proseso ng pagkakansela ng patakaran ng espesyal na tratado sa Hong Kong, pipigilan ang pagpasok ng ilang estudyante't iskolar na Tsino sa Amerika, at iimbestigahan ang magkakaibang kilos ng mga kompanyang Tsino sa paglilista sa Amerika.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Zhao na ang iba't ibang pagbatikos ng lider na Amerikano sa panig Tsino ay salungat sa katotohanan, at ang mga hakbanging ipinatalastas niya ay matinding pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, at pagsira sa relasyong Sino-Amerikano. Tiyak na makakapinsala ito sa sariling interes ng Amerika at interes ng ibang panig, at buong tatag itong tinututulan ng panig Tsino.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>