Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina sa Britanya: igalang ang katotohanang bumalik na ang HK sa Tsina

(GMT+08:00) 2020-06-04 16:24:19       CRI

Beijing, Hunyo 3, 2020 – Ipinahayag ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nagharap na ng solemnang representasyon ang Tsina sa Britanya kaugnay ng pananalita ng nasabing bansa na may kinalaman sa Hong Kong National Security Legislation.

Sinabi ni Zhao na dapat itakwil ng Britanya ang ideya ng Cold War, itigil ang pagtrato sa iba bilang kolonya, at igalang ang katotohanang ang Hong Kong ay isang nang espesyal na rehiyong administratibo ng Tsina.

Sinabi Hunyo 2, 2020, ni Dominic Raab, Kalihim na Panlabas ng Britanya, na inigagalang ng kanyang bansa ang "Magkasanib na Pahayag ng Tsina at Britanya," pero ang Hong Kong National Security Legislation ay nakasira sa "Isang bansa Dalawang Sistema," at ito ay posibleng magdulot ng banta sa modelong pangkabuahayan at kasaganaan ng Hong Kong.

Hinggil dito, tinukoy ni Zhao na ang pangangalaga sa seguridad ng bansa ay pinakapundamental na elemento ng soberanya ng bansa.

Wala aniyang karapatan ang Britanya na makialam sa mga suliraning panloob ng Tsina sa katwiran ng Magkasanib na Pahayag ng Tsina at Britanya.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>