|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat ng "The Telegraph" ng Britanya nitong Linggo, Hulyo 5, 2020, ipinalalagay ng dalubhasa ng University of Oxford na posibleng hindi nanggaling sa Tsina ang coronavirus.
Sa palagay ni Dr. Tom Jefferson, senior tutor ng Center for Evidence-Based Medicine (CEBM), University of Oxford, parami nang paraming ebidensya ang nagpapakitang lumitaw ang coronavirus sa ibang lugar, bago kumalat sa Asya.
Ayon sa konklusyon ng pananaliksik ng University of Oxford, ang coronavirus ay posibleng nagtago sa iba't ibang sulok ng mundo, at lumakas ito sa espesyal sa kapaligiran, sa halip na nanggaling sa Tsina.
Ipinatalastas ng virologist ng Espanya na sa pagsusuri sa wastewater sample na kinuha noong Marso, 2019, natuklasan ang coronavirus.
Tinukoy naman ng ulat na inilabas sa official website ng Italian National Institute of Health (ISS) na natuklasan ang genetic material ng coronavirus sa wastewater sample sa Milan at Turin noong nagdaang Disyembre.
Sa water sample sa sewage ng Brazil noong nagdaang Nobyembre, nakita rin ang bakas ng coronavirus.
Ipinalalagay ni Dr. Jefferson na mayroon at buhay na sa mahabang panahon ang coronavirus. Aniya, tulog ito sa buong mundo, at posibleng naging mas malakas sa espesyal na kondisyon ng kapaligiran.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |