|
||||||||
|
||
Nitong nakalipas na ilang araw, muling siniraan ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estado Unidos, ang mga hakbanging pamprebensyon ng Tsina sa paglaban sa terorismo at deradikalisasyon, niluto ang kasinungalingang may "sapilitang pagtatrabaho at malawakang pagbilanggo" sa mga lugar ng Tsina na gaya ng Xinjiang, at hayagang nakialam sa mga suliraning panloob ng Tsina. Ito ay nagbubunyag ng masamang tangka niyang sirain ang kasaganaan at katatagan ng Xinjiang, at hadlangan ang pag-unlad ng Tsina.
Sa katunayan, ang ganitong uri ng kasinungalingang pulitikal na niluto ng mga taong tulad ni Pompeo ay paulit-ulit na itinama ng maraming imbestigasyon at pananaliksik. Halimbawa, ang umano'y "napiit sa bilangguan ang halos isang milyong mamamayan ng Lahing Uygur" ay balighong konklusyon na ginawa ng Network of Chinese Human Rights Defenders na sinusuportahan ng pamahalaang Amerikano, at batay lamang sa imbestigasyon sa 8 katao lang. At ang umano'y "sapilitang nagtatrabaho ang mga Uygur sa pagawaan ng Chinese mainland" ay kasinungalingang niluto ng Australian Strategic Policy Institute (ASPI) na binibigyan ng pondo ng pamahalaang Amerikano nang mahabang panahon.
Tulad ng unibersal na palagay ng komunidad ng daigdig, ang isyung may kinalaman sa Xinjiang ay hindi isyu ng karapatang pantao, nasyonalidad at relihiyon na tulad ng sinabi ng ilang Amerikano, sa halip, ito ay isyu ng paglaban sa karahasan, terorismo at separatismo.
Ang mga hakbanging pamprebensyon sa paglaban sa terorismo at deradikalisasyon na isinasagawa ng Tsina sa Xinjiang ay hindi lamang mabisang bumago sa kalagayang pangkaunlaran sa lokalidad, kundi nakapagbigay rin ng positibong ambag para sa usapin kontra terorismo ng buong mundo. Ito ay malawakang kinikilala ng komunidad ng daigdig.
Mapagkunwaring inihahayag ng mga taong tulad ni Pompeo ang kani-kanilang pagpapahalaga sa kalagayan ng mga etnikong grupo ng Xinjiang, samantalang isinasagawa ang iba't ibang hakbangin upang naniil sa mga bahay-kalakal at paghahanap-buhay sa Xinjiang. Nagpapakita itong hinding hindi pinahahalagahan nila ang kaligayaan at pamumuhay ng mga etnikong grupo ng Xinjiang. Ang siyang tanging tangka nila ay manggulo sa Xinjiang, at likhain ang mga problema sa Tsina, para hanapin ang pansariling kapakanang pulitikal.
Sa harap ng katotohanan ng masaganang pag-unlad ng Xinjiang, ang kasuklam-suklam palabas nila ay hihiya lamang sa sarili, at magpapasidhi ng mahirap na kondisyon ng Amerika.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |