Ayon sa estadistikang inilabas kamakailan ng State Post Bureau ng Tsina, noong unang hati ng taong ito, mabilis ang pagpapanumbalik ng courier sector ng bansa. Lumaki ng 22.5% ang business volume ng sektor na ito, na halos kapantay na ng karaniwang paglaki noong isang taon. Samantala, noong nagdaang Hunyo, ang development index ng courier sector ay mas malaki nang 75.1 kumpara sa bilang ng gayun ding panahon ng tinalikdang taon, at ipinakikita nito ang positibong prospek ng sektor na ito.
Ang Tsina ay isa sa mga bansa sa daigdig na pinakamaunlad ang E-commerce. Ang mabilis na pagbababalik sa normal ng courier sector ng Tsina ay nangangahulugan ng pagbangon ng consumer market ng bansa na naapektuhan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Habang pinapaboran ng maraming Tsino ang online consumption, maaari nitong pabuyaan o punuan ang kapinsalaan sa offline consumption na dulot ng pandemiya.
Nitong ilang taong nakalipas, ang konsumpsyon ay nagiging pangunahing lakas na tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang Tsino. Pagkaraang maganap ang pandemiya ng COVID-19, ikinababahala ng maraming tao kung gaanong kalaki ang epekto ng pandemiya sa konsumpsyon ng Tsina at paanong makakaapekto ito sa paglaki ng kabuhayang Tsino.
Sa kasalukuyan, ang tuluy-tuloy na bumabangong consumer market ng Tsina ay nagbigay ng maliwanag na sagot. Ang bagong lumitaw na mga positibong elemento ng konsumpsyon ay nagkakaloob ng bagong sigla sa kabuhayang Tsino.
Salin: Liu Kai