Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina sa Amerika: Suportahan ang pandaigdig na paglaban sa COVID-19 sa pamamagitan ng tumpak na aksyon

(GMT+08:00) 2020-07-11 18:37:34       CRI
Bilang tugon sa iresponsableng pananalita ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, tungkol sa gagawing preparatoryong konsultasyon ng World Health Organization (WHO) at Tsina para sa pag-imbestiga ng pinagmulan ng coronavirus, sinabi kahapon, Biyernes, ika-10 ng Hulyo 2020, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Tsina ay unang bansang nag-anyaya ng mga eksperto ng WHO, para gawin ang siyentipikong pag-imbestiga ng pinagmulan ng coronavirus. Layon nito aniyang suportahan ang mas mabisang paglaban ng buong daigdig sa pandemiya, at bigyang-ambag ang pandaigdig na kooperasyon sa usapin ng kalusugang pampubliko.

Dagdag ni Zhao, kung totoong binibigyang pansin ng Amerika ang pandaigdig na paglaban sa COVID-19, dapat isabalikat nito ang mga pandaigdig na responsibilidad at obligasyon, at isagawa ang pakikipagkooperasyon sa WHO. Pero sa katotohanan aniya, ang mga ginawa ng Amerika ay pagtiwalag sa WHO, pagpapabaya sa sariling tungkulin ng pagpigil at pagkontrol sa sakit, at paninira sa pandaigdig na kooperasyon sa paglaban sa pandemiya.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>