|
||||||||
|
||
Ang 2020 State of Food Security and Nutrition in the World (SOFI 2020) ay magkakasamang inilabas nitong Hulyo, 13, 2020 (local time), ng International Fund for Agricultural Development (IFAD) ng Food and Agriculture Organization (FAO) ng United Nations na may himpilan sa Roma, Italy, United Nations International Children's Emergency Fund (UNICEF), World Food Programme (WFP) at World Health Orgnization(WHO).
Ayon sa pagtaya, kasalukuyang dumaranas ng gutom ang halos 690 milyong tao na nasa 8.9% ng kabuuang populasyon ng buong daigdig. Nadagdagan ng 10 milyon ang naturang numero sa loob lamang ng isang taon, at nadagdagan ng halos 60 milyon sa loob ng nakaraang 5 taon.
Tinukoy ng SOFI 2020 na posibleng lumala ang kalagayan ng seguridad ng pagkain at kalagayan ng nutrisyon ng karamihan ng mga vulnerable groups. Malayo pa rin ang agwat sa target na maisakatuparan ang "Zero Hunger", tugunan ang pagkabahala sa seguridad ng pagkain at undernutrition sa taong 2030.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |