Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Matagumpay! Paglulunsad ng unang Mars probe ng Tsina

(GMT+08:00) 2020-07-23 16:53:25       CRI

Matagumpay na inilunsad kaninang tanghali, Huwebes, Hulyo 23, 2020 ang Tianwen-1 Mars probe ng Tsina.

Ito ang kauna-unahang hakbang ng Tsina sa planetary exploration sa solar system.

Ang spacecraft ay inilunsad sa Wenchang Spacecraft Launch Site, Lalawigang Hainan ng bansa, sakay ng Long March-5 rocket.

Pagkaraan ng mga 36 minutong paglilipad, pumasok ang nasabing spacecraft na kinabibilangan ng isang orbiter at isang rover, sa Earth-Mars transfer orbit.

Makakarating sa Mars ang spacecraft, pagkaraan ng halos 7 buwang paglipad sa naturang orbita.

Pagkaraang pumasok sa Mars orbit, hahanapin nito ang potential landing sites sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan, at lalapag sa Mars sa buwan ng Mayo para pasimulan ang exploration mission.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>