|
||||||||
|
||
Sa kanyang pagbisita kahapon ng hapon, Huwebes, ika-23 ng Hulyo 2020, sa R&D headquarters ng First Automotive Works (FAW) Group sa Changchun, lunsod ng lalawigang Jilin ng Tsina, natiyempuhan ni Xi Jinping, Pangulong Tsino, ang ilang bagong empleyado ng kompanyang ito na nagtapos pa lamang sa pamantasan.
Sinabi ni Xi, na sa harap ng epektong dulot ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), malaki ang hamon sa paghahanapbuhay, lalung lalo na ng mga college graduate.
Aniya, binibigyang-priyoridad ng pamahalaan ang pagkakaroon ng trabaho ng mga college graduate sa mga gawain tungkol sa kabuhayan at pamumuhay ng mga mamamayan, para buong sikap na lutasin ang isyung ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |