Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

"People's vaccine" laban sa coronavirus, kinakailangan ng daigdig

(GMT+08:00) 2020-07-26 10:16:55       CRI
Sa artikulong inilabas kamakailan sa pahayagang The Guardian ng Britanya, sinabi nina dating Punong Ministro Helen Clark ng New Zealand at Executive Director Winnie Byanyima ng Joint United Nations Programme on HIV/AIDS, na kinakailangan ng daigdig ang "people's vaccine" laban sa coronavirus, sa halip ng monopolyo ng malalaking parmasya.

Sinabi nila, na ang tanging hadlang sa paggawa ng sapat na bakuna laban sa coronavirus ay kakayahang produktibo ng buong daigdig, at hindi ibang mga elemento.

Ipinalalagay nilang, sa harap ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), hindi priyoridad ang pangangalaga sa Intellectual Property Rights o interes ng mga kompanyang gumagawa ng medisina.

Nanawagan sila para libreng pagbabahagi ng mga teknolohiya ng bakuna laban sa coronavirus sa plataporma ng World Health Organization.

Ito ay para magawa ang bakuna sa pamamagitan ng pinakamalakas na kakayahang produktibo, upang maipagkaloob sa lahat ng mga bansang may pangangailangan, diin nila.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>