Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bilang ng mga nasawi sa Amerika dahil sa COVID-19, lumikha ng record high

(GMT+08:00) 2020-08-01 17:24:58       CRI
Hulyo 29, local time, lumampas sa 150 libo ang bilang ng mga nasawi sa Amerika dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Samantala, noong araw na ito, lumikha ng record high ang arawang naitalang bilang ng mga nasawi sa Amerika, at umabot ito sa 1,461.

Ikinababalisa ng mga media at ekspertong medikal ang lumalalang kalagayan ng COVID-19 sa Amerika.

Sinabi ng pahayagang Washington Post, na ang mahigit 1,400 nasawi sa loob ng isang araw ay nangangahulugan ng halos isa ang nasasawi kada isang minuto.

Ayon naman sa Cable News Network (CNN), ipinalalagay ni Ashish Jha, Faculty Director ng Harvard Global Health Institute, na hindi kayang lutasin ng Amerika ang epidemiya, at ang mas nakakalungkot ay hindi pagbibigay-priyoridad ng pamahalaan sa pag-iwas ng pagkamatay.

Sinabi naman ng mga eksperto sa Johns Hopkins University, na dapat muling isaalang-alang ng Amerika ang mga ginawa sa harap ng COVID-19, at nangangailangan ng "reset" ang mga patakaran ng pamahalaang pederal at mga pamahalaang lokal laban sa epidemiya.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>