Kaugnay ng insidente ng napakalaking pagsabog sa Beirut, Lebanon, ipinadala nitong Miyerkules, Agosto 5, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe ng pakikiramay sa kanyang Lebanese counterpart na si Michel Aoun.
Sa ngalan ng pamahalaan, mga mamamayang Tsino, at kanyang sarili, ipinahayag ni Xi ang malalim na pakikidalamhati sa mga nasawing biktima, at ang taos-pusong pakikiramay sa kanilang mga maiwan at nasugatan.
Ipinahayg din ng pangulong Tsino ang hangarin sa maagang paggaling ng mga nasugatan.
Salin: Lito