|
||||||||
|
||
Sa kanyang artikulong inilabas nitong Martes, Agosto 4, 2020 sa Cable News Network (CNN) ng Estados Unidos, sinabi ni Stephen Roach, senior fellow ng Yale University, na nitong nakalipas na isang buwan, 4 na opisyal ng pamahalaang Amerikano ang nagpalabas ng serye ng pananalitang laban sa Tsina.
Aniya, ang mga ito ay maituturing na conspiracy theory at kapos sa analisasyon batay sa katotohanan.
Ang naturang apat na pulitikong Amerikano ay sina Kalihim Mike Pompeo, Kalihim ng Estado; Robert O'Brien, National Security Adviser ni Pangulong Donald Trump; Christopher Wray, Direktor ng Federal Bureau of Investigation (FBI) at Attorney General William P. Barr.
Sa palagay ni Roach, ang maling pananaw ng nasabing apat na pulitiko ay napapaloob sa mga aspektong gaya ng kabuhayan, pagbaling ng pananagutan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa ibang panig, at esensya ng relasyong Sino-Amerikano.
Aniya, may malubhang kakulangan ng pondo sa loob ng Amerika. Kaugnay nito, kung hahadlangan ang kalakalan sa Tsina, habang hindi pa nareresolba ang patuloy na paglala ng kakulangan sa pondo, mas malaking taripa ang ipapataw ng ibang trade partner ng Amerika sa mga aangkating produktong may mas mataas na kapital. at ito ay isasabalikat ng mga mamimilimg Amerikano, dagdag ni Roach.
Saad ni Roach, kasabay ng paglala ng kalagayan ng pandemiya sa Amerika, patuloy ring dumarami ang duda kay Trump, kaya ginagamit ng mga pulitikong tulad ni Pompeo ang conspiracy theory, para ibaling sa Tsina ang pananagutan.
Sa palagay niya, bidirectional ang relasyong Sino-Amerikano, at umaayon sa isa't isa ang dalawang bansa.
Ang paglala ng relasyong Sino-Amerikano ay posibleng magbunsod ng di-matatag na epekto sa kabuhayang Amerikano, dagdag niya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |