Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulo ng Lebanon, hindi inaalis ang posibilidad na kagagawan ng mga taga labas ang atake sa Beirut port

(GMT+08:00) 2020-08-08 11:01:27       CRI

Isinapubliko nitong Biyernes, Agosto 7, 2020 ng palasyong pampamahalaan ng Lebanon ang pahayag na nagsasabing ipinahayag ni Pangulong Michel Aoun na hindi inaalis ang posibilidad na kagagawan ng mga puwersa sa labas ng bansa ang atake sa Beirut port na nagbunsod ng pagsabog nito.

Ipinahayag niya na kakasuhan ang lahat ng may kagagawan sa insidente ng pagsabog sa nasabing puwerto, at walang "proteksyong pulitikal" ang sinuman.

Noong Agosto 4, naganap ang malakas na pagsabog sa Beirut port na ikinamatay na ng 154 katao, ikinasugat ng mga 5,000, at ikinawala ng ilanpung katao. Bukod dito, nagresulta ang pagsabog ng pagkawala ng tirahan ng halos 300 libong mamamayan.

Hanggang sa ngayon, hindi pa malinaw ang kongkretong sanhi ng pagsabog.

Ipinagkaloob nang araw ring iyon ni UN Under-Secretary-General for Humanitarian Affairs Mark Lowcock ang 6 na milyong dolyares bilang tulong sa pagbibigay-lunas ng mga ospital ng Lebanon sa mga biktima, kumpunihin ang mga nasirang bahay ng pinakamahirap na apektadong mamamayan, at magkaloob ng logistical support.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>