Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino, puspusang isinusulong ang pambansang estratehiya ng pagpapaginhawa ng mga mamamayan

(GMT+08:00) 2020-08-08 11:35:15       CRI

Ang Agosto 8, 2020 ay ika-12 Pambansang Araw ng Kalusugan ng Tsina na may temang "Pagpapasulong ng Kalusugan ng mga Mamamayan para sa Pagsasakatuparan ng Komprehensibong May Kaginhawahang Lipunan."

Noong Enero 23, 2017, pumunta si Xi Jinping sa lunsod Zhangjiakou para maglakbay-suri sa gawain ng paghahanda para sa Beijing Winter Olympics

Bilang tagapagtaguyod at tagapagpraktis ng pagpapalakas ng buong mamamayan, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang isang malusog na tao ay dapat magkaroon hindi lamang ng mayamang kaalaman at nilalamang kultural, kundi magkaroon ng malusog na diwa at katawan. Aniya, dapat paunlarin ang mga larong pampalakasan para walang humpay na mapataas ang kalidad ng pangangatawan at kalusugan ng lahat ng mga mamamayan.

Lubos na pinahahalagahan ni Xi ang kalusugan ng mga mamamayan. Itinuturing niya ito bilang mahalagang nilalaman ng komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan. Gawing bagong lebel ng pambansang estratehiya ang kalusugan ng mga mamamayan.

Para rito, komprehensibong isinaayos ni Xi ang konstruksyon ng malusog na Tsina. Tinukoy niya na ang kalusugan ay kinakailangang kahilingan ng pagpapasulong ng komprehensibong pag-unlad ng sangkatauhan, pundamental na kondisyon ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, mahalagang sagisag ng malakas na nasyon at mayamang bansa, at komong hangarin ng malawak na masa ng mga mamamayan.

Sapul nang sumiklab ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa kasalukuyang taon, palagiang hinihiling ni Xi na dapat unahin ang seguridad ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan.

Sabi ni Xi, sa pagpapabilis ng pagtatatag ng malakas na bansa sa palakasan, dapat igiit ang ideya ng pagpapauna ng mga mamamayan. Aniya, dapat maging sandigan ang mga mamamayan sa pagpapaunlad ng usaping pampalakasan para maging starting point at target ang pagbibigay-kasiyahan sa pangangailangan ng mga mamamayan sa kalusugan at pagpapasulong ng kanilang komprehensibong pag-unlad.

Diin pa niya, dapat komprehensibong isakatuparan ang pambansang estratehiya ng pagpapalakas ng mga mamamayan para walang humpay na mapataas ang lebel ng kalusugan ng mga mamamayan.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>