Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagsabog sa Jolo, Sulu: di-kukulangin sa 9 na katao, patay

(GMT+08:00) 2020-08-24 16:08:52       CRI

Di-kukulangin sa 9 na katao ang nasawi sa serye ng mga pagsabog na naganap Lunes, Agosto 24, 2020 sa Jolo, Sulu.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), ang unang pagsabog ay naganap mga alas-11:53 ng umaga sa paligid ng isang grocery store sa Jolo, na ikinamatay ng di-kukulangin sa 9 na katao.

Dagdag pa nito, mga 1:00 ng hapon, naganap ang ika-2 pagsabog, ilampung metro lamang ang layo sa pinangyarihan ng unang pagsabog.

Sa kasalukuyan, hindi pa malinaw ang eksaktong bilang ng kasuwalti.

Ayon sa PNP, hindi pa nila maaaring isiwalat ang mas maraming detalye kaugnay ng nasabing dalawang pagsabog.

Wala pang organisasyon o indibiduwal ang umaamin ng responsibilidad sa nasabing insidente.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>